Mahigit sa dalawapung taon nang pinangungunahan ng SNAP Hydroponics ang rebolusyong hydroponics sa Pilipinas. Ang pagiging madaling gamitin at pagiging payak ay nasa pangalan nito. Hindi kailangan ng SNAP ang espesyalisadong pagsasanay, kumplikadong mga hakbang o palagiang pagbabantay. Set-and-forget ang pagtatatim sa SNAP. Ganun lang kadali!

Simple Nutrient Addition Program para sa Hydroponics

Ang SNAP Hydroponics ay isang ligtas, madaling gamitin at abot-kayang sistemang hydroponics na dinesenyo para sa pangtahanan at maliit na komersiyal na produksiyon ng gulay. Kailangan lang nito ng sapat na sikat ng araw, sapat na sirkulasyon ng hangin at proteksiyon sa ulan.

Mga halamang pinapalaki sa growboxes na nakalagay sa patungan at nasisikatan ng araw.
Iba’t ibang pananim na pinapapalaki sa SNAP Hydroponics.

Hydroponics para sa mga Baguhan

  • Kayang gawin ng baguhan.
  • Madaling i-setup, i-maintain at i-operate.
  • Mababang manpower requirement.

Hydroponics para sa Kalikasan

  • Mga 90% ng gamit ay mula sa reused na materyales.
  • Hindi kailangan ng kuryente para i-operate.

Hydroponics para sa Negosyo

  • Maaring magamit para sa maliit na komersiyal na produksiyon ng letsugas at iba pang gulay.
  • Ang pagbalik ng puhunan ay maaring makamit sa loob lamang ng isang taon ng operasyon.

SNAP Quick Start Guide

Mga letsugas na pinpalaki sa styrofoam boxes.

Alamin kung paano magpalaki ng sarili ninyong sariwa, masustansiya masarap at walang pestesidong pagkain gamit ang SNAP Hydroponics.

Pagsasanay sa SNAP

Bandera na may teksto na mababasang "Welcome Participants Training Course on Hydroponics Vegetable Production With Emphasis on SNAP Hydroponics Plant Physiology Laboratory Institute of Plant Breading"

Alamin pa ang tungkol sa mga prinsipyo sa likod ng hydroponics at komersiyal na produksiyon ng gulay gamit ang SNAP Hydroponics.


Galeriya