
Letsugas at ang Temperatura Tuwing Tag-init
Ang letsugas ay karaniwang lulamaki sa mga temperatura na may mababang temperatura. Ang mataas na temperatura ay nagpapaaga ng kanilang pamumulaklak at pagpait. Sa tropikal na kapaligran ng Pilipinas ang letsugas ay matagumpay na napalalaki gamit ang hydroponics. Ito ay dahil kahit mataas ang temperatura na nagpapaigsi ng kanilang vegetative period, pinapabilis ng hydroponics ang kanilang paglaki sa maikling vegetative windows na ito na nagreresulta sa pag-abot nila sa nabebentang laki bago pa sila lumipat sa kanilang flowering stage at pumait. Subalit, ang mga buwan ng tag-init ay maaring sobrang maparusa at sa maraming lugar ang SNAP Hydroponics growers ay kailangang gamitin ang kanilang pagkamalikhain upang labanan ang sangit ng tag-init.

Syempre pa ang pinakamalaking problemang naeenkwentro ng nagha-hydroponics sa tag-init ay ang init. Kayang-kayang lumampas ng 35°C (90°F) ang temperatura ng paligid. Bagama’t marami sa mga halaman ay kayang lampasan ang ganitong temperatura, ang mga halamang lumalaki sa hydroponics ay maaaring pumalpak dahil dito. Malaki ang epekto ng temperatura ng nutriyent solusyon sa paglaki halaman sa hydroponics. Ang mataaas na temperatura ay nagpapaunti ng dissolved oxygen sa solusyon. Naapektohan rin nito ang ibang biyolohikal na proseso sa root system na nagreresulta sa pakauntol ng paglaki at maging ang pagkasira ng pananim.
Isa pang problema tuwing tag-init ay ang matinding sikat ng araw. Ang lakas ng sikat ng araw ay sobrang taas tuwing tag-init na kayang-kaya nitong tumagos sa mga kahon ng styrofoam at binubuhay ang lumot sa nutriyent solusyon. Isyu ito dahil ginagamit ng lumot ang mga sustansya mula sa solusyon.
Ang Binagong Sistema
Binahagi ni Sir Robert Iglesia ng Farm in the City ng Gumaca, Quezon ang kanyang paraan ng pagpapalaki ng letsugas sa mga buwan ng tag-init gamit ang mga materyales na ginagamit sa batayang SNAP Hydroponics setup.
Ang paraan na ito ay gumagamit ng kaparehong paraan ng pagpapatubo ng binhi na nasa manwal ng SNAP. Subalit, sa halip na gumamit lamang ng sapat na growing media upang punuin ang isang ikaapat hanggang isang ikatlong bahagdan ng seedling plug, ating pupunuin ang seedling plug ng growing media at ita-transfer ang malusog na binhi dito. Tapos ang mga seedling plug ay ihahanay ng dikit-dikit sa ibabang bahagi ng grow box.

Aabot ng hanggang dalawampu’t walong (28) seedling plugs ang maaring itanim sa grow box na may batayang laki (20″⨉16″). Tapos, ang working solution ay idadagdag sa grow box. Sisipsip ang growing medium ng working solution at babasain ang kabuoan ng mga seedling plug. Patuloy na ibuhos ang working solution hanggang ang nibel nito ay nasa 2-3 cm ang taas.
Ang pagpuno ng seedling plugs ng growing media ay mag-i-insulate sa root system nang mas mahusay kumpara sa ugat lamang na nakatubog sa nutriyent solusyon. Ang seedling plugs na nakahanay gaya ng nabanggit ay masisilbing parang wick system hydroponics. Hahayaan nitong sumipsip ng working solution ang seedling plugs mula sa ibabang bahagi ng growbox na nagsisilbing lalagyan. Ang dikit-dikit na pagkakahanay ng seedling plugs ay lumilimita sa dami ng ilaw na aabot sa working solution na lalong magbabawas sa temperatura nito at pipigil sa pagdami ng lumot dito.
Ang pag-transpire ng halaman at ebaporasyon ay magpapababa ng nibel ng working solution at dapat itong regular na dagdagan. Pwedeng hayaang maubos ang working solution sa lalagyan at ang seedling plugs ay mananatiling basa. Subalit, huwag na huwag na hahayang matuyo ng medium sa loob ng seedling plugs. Salitang dagdagan ng tubig at working solusyon ang lalagyan. Ito ay dahil may mga nutriyents na naiiwan habang nagta-transpire ang halaman at ang tubig sa working solusyon ay nag-e-evaporate. Ang tuloy-tuloy na pagdagdag ng working solution ay magpapataas ng konsentrasyon ng nutriyent at maaring maging sanhi ng nutrient burn o nutrient imbalance.
Kapag mas malaki na ang mga halaman ng letsugas, limitahan ang seedling plugs sa labing-dalawa kada grow box. Mas mapapadali nito ang pagaasikaso sa kanila at magbibigay din ito ng mas maraming espasyo para sa kanilang paglaki. Ang mas malaking halaman ay mangangailangan ng mas maraming tubig at mangangailangan sa atin ng mas malimit na pagre-refill. Ang paglimita ng bilang ng seedling plugs kada kahon ay maglilimita rin ng water uptake. Limitado pa rin ang ilaw na aabot sa nutriyent solusyon dahil kahit mas layo-layo na ang mga halaman ng letsugas mas malago na ang mga dahon nito.

Karagdagang Bilin
Ang paraang ito ay nangangailangan ng karagdagang pagsubok at ekperimentasyon dahil ang bawat grower ay may kanya-kanyang growing environment. Ang shading net ay malaki ang naitutulong sa mga buwan ng tag-init kung kailan ang matinding sikat ng araw ay maaring makasunog sa dahon ng letsugas. Ang pagpapalaki ng varayti letsugas na may laban sa init ay mariin din na minumungkahi.
Ayan! Kung merong mga katanungan huwag mag-atubiling mag-iwan ng koment sa baba. Muli good luck at happy growing!