Posted on

Nagbago ang kulay ng SNAP Hydroponics Nutrients

Two pairs of SNAP bottles showing difference in color.

Ang kulay ng SNAP Hydroponics nutrients ay nag-iba sa pinakabagong batch ng produksiyon ng SNAP Nutrient Solution for Hydroponics mula sa IPB-UPLB. Dati, ang SNAP A ay klaro at and SNAP B ay may pagkamadilaw. Sa pinakabagong batches, ang SNAP A ay may madilaw at may pagka-brown na tínte at ang SNAP B naman ay napanatili ang pagkamadilaw na tínte nito. Ayon sa opisyal na pahayag mula sa IPB-UPLB ang kulay ng SNAP Hydroponics nutrients ay nag-iba dahil ang karaniwang brand na kanilang ginagamit para gawin ang nutrients ay walang stock at kinailangang palitan ng ibang brand ng kaparehong kemikal (mga sagot sa chemical safety concerns).

Nabago ba ng Nag-ibang kulay ang pagka-epektibo ng SNAP?

Dagdag ng IPB-UPLB na ang pagka-epektibo ng SNAP A ay hindi nabawsan ng pagbabagong ito. Sa katunayan, ang pinalitang sangkap ay mas mahal pero mas maganda ang kalidad.

Pinagsamang imahen ng lumang batch ng SNAP at bagong batch ng SNAP.
Screen capture ng post mula sa opisyal na Facebook Page ng SNAP kung saan pinapaalam sa mga tagatangkilik ang pagbabago ng kulay.