Posted on

Paano Naiiba ang SNAP Nutrients sa Ibang Hydroponic Nutrient Solution?

Pare ng mga bote gn SNAP katabi ng salansan ng seedling plugs at grow boxes.

Lilinawin natin kung paano naiiba ang SNAP nutrients sa ibang hydroponic nutrient solution sa merkado.

Maraming mga lokal at imported na tatak at pormulasyon ng hydroponics nutrient ngayon sa merkado dala na rin ng tuloy-tuloy na pagtaas ng popularidad ng hydroponics sa mga nagdaang taon. Subalit hindi lahat ng ito nga ito ay pare-pareho. Nakalista sa baba ang kung paano natatangi ang SNAP nutrients kumpara sa ibang nutrient solution.

Bago natin talakayin ang mga ito, atin munang balikan ang ilan sa mga kaalamang mahalagang isaalang-alang sa pagpapalaki ng halaman gamit ang hydroponics.

Mineral Nutrient Solution para sa Hydroponics

Ito ang puso ng mga sistemang hydroponics. Ang mineral nutrient solution, tinatawag ring “nutrient solution”, “nutrients”, “nutsol”, ay dinadagdag sa tubig na sinusuplay sa ugat ng mga halamang pinapalaki sa hydroponics. Ito ang nagsusuplay ng nutrients na kailangan ng mga halaman para lumaki. Ang tamang timpla at mataas na kalidad ng nutrient solution ay mahalaga upang magkaroon ng magandang resulta ang pagpapalaki ng halaman gamit ang hydroponics.

pH ng Nutrient Solution

Ang pH ay iskalang ginagamit upang tukuyin ang acidity at basicity ng solution. Ang pH ay maaring magkaroon ng sukat na 0 (zero) hanggang 14. Ang mga solution na may pH na 7 ay tinuturing na neutral—hindi acidic at hindi rin basic.

Upang ma-absorb ng halaman ang nutrients na nasa nutrient solution mahalaga na nasa tamang nibél ang pH ng solution. Sa hydroponics ito ay tipikal na nasa range na 5.5-6.5 sa pangkalahatan. Ang iba’t ibang halaman ay may kanya-kanyang optimal na pH range.

Tsart kung saan nakalista ang pH levels at iba?t ibang nutrients.
Tsart na nagpapakita ng nutrient uptake batay sa pH. Ang pinakaangkop na pH para sa paglaki ng halaman ay nasa pH 5.5-6.5.

Habang ina-absorb ng halaman ang nutrients mula sa nutrient solution, magbabago ang pH nito. Kapag nawala sa tamang range ang pH ng nutrient solution hindi ma-a-absorb ng mga ugat ang nutrients kahit ito ay may sapat na dami pa sa nutrient solution. Napakahalaga na mapanatiling nasa tamang range ang pH ng nutrient solution.

Dekalidad ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics

Noon pang 1999 ang SNAP nutrients. Matagal nang sinasaliksik at patuloy na pinapahusay ang pormulasyon ng SNAP nutrients ng mga siyentipiko ng IPB-UPLB.

‘Di gaya ng ibang nutrient solution na may magkaibang ibang ratio ng nutrient solution para sa madahon at namumungang halaman, ang mahusay na calibration ng SNAP nutrients ay nagbibigay-daan upang magamit ang nag-iisang ratio ng nutrient solution para sa maraming klase ng madahon at mamumungang halaman. Bukod pa rito, ang isa sa pinakamahalagang katangian ng SNAP nutrients ay ang high buffering capacity nito. Ito ay nagbibigay sa SNAP ng kakayahang ma-stabilize ang pH ng nutrient solution.

May Kakayahang Mag-stalibilize ng pH ang SNAP

Dahil high buffering capacity ng SNAP, napipigilan nito ang pagbaba ng pH ng nutrient solution na nagiging daan upang magamit ng nutrient solution nang higit sa isang buwan ng hindi ito pinapalitan o ina-adjust. Ayon sa opisyal na pahayag ng IPB-UPLB:

Sa lahat ng extension materials at mga aktibidad na may kaugnayan sa SNAP HYDROPONICS ang mga may akda/imbentor: Mr. Primitivo Jose A. Santos at Eureka Teresa M. Ocampo ay laging pinapahayag na, …”Di tulad ng ibang nutriyent solusyon sa merkado na nangagailangan ng palagiang pag-monitor ng pH upang itama ang mabilis na pagbaba ng pH, ang paggamit ng SNAP nutriyent solusyon ay nagbabawas ng monitoring dahil sa high buffering capacity nito (pinipigilan ang pagbaba ng pH). Ang natataninging katangian ng SNAP nutriyent solusyon na ito ang nagbibigay-daan upang magamit ang nutriyent solusyon sa sistemang hydroponics nang mahigit sa isang buwan na hindi pinapalitan ang solusyon na ginagamit sa sistema.”

Inisyu ang pahayag upang magamit sa anumang paggagamitan nito. Salamat.

SNAP Commercialization Project , Statement on the pH-stabilizing capability of SNAP (pagsasalin), 18 Pebrero 2021

May Mahusay na Safety Record

Sa mahigit na 20 taon na paggamit ng mga hydroponics grower ng SNAP nutrients wala pang naiiulat na anumang insedente na may kinalaman sa paggamit ng SNAP nutrients. Ito ay sumusuporta sa pagiging ligtas ng SNAP Hydroponics at sa hydroponics sa pangkalahatan.

Bukod pa rito, ang SNAP ay mayroong kalakip na Materials Safety Data Sheet mula noon hanggang ngayon. Ito ay nagkalaman ng mga importanteng impormasyong pangkaligtasan ukol sa SNAP nutrients.

Konklusyon

Natatangi ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics sa mga hydroponic nutrient solution na mabibili ngayon sa merkado ng Pilipinas. Ito ay may mga katangian na ginagawang madali ang pagpapakaki ng halaman sa hydroponics. Ito ay bunga ng mahigit sa 20 taon na pagsasaliksik ng mga siyentipiko. At higit sa lahat ito ay mahaba at mahusay na safety record.