
Ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics ay ang mineral nutrient solution na ginagamit sa SNAP Hydroponics.
Ang SNAP ay Simple Nutrient Addition Program for hydroponics. Ito’y isang hydroponic system na ligtas, madaling gamitin at abot kaya.
ANO ANG SNAP HYDROPONICS?
Ang SNAP ay Simple Nutrient Addition Program for hydroponics. Ito ay isang hydroponic system na gumagamit ng SNAP Nutrient Solution for Hydroponics.
Para kumpletuhin ang SNAP Hydroponics system, gumagamit rin ito ng seedling plugs at grow boxes. Ang mga ito ay bumubuo ng isang systema na kahalintulad ng passive hydroponic method na kilala sa ngalang “Kratky’s method.”

ANO ANG SNAP NUTRIENTS?
Ang SNAP nutrients ay ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics na sinasalisik at ginagawa sa Physiology Lab ng IPB, UPLB. Kilala rin sa mga bansag na “SNAP Hydroponics nutrients”, “SNAP nutrients” , “SNAP nutsol”, at “SNAP nutes.”
Maraming brand o formulation ng mineral nutrient solution para sa hydroponics (nutrient solution for hydroponics) pero SNAP Hydroponics ang may pinakamahabang kasaysayan ng kahusayan at kaligtasan (higit sa dalawang dekada).
BAKIT MAHUSAY ANG SNAP Nutrient SOLUTION FOR HYDROPONICS?
Dahil ang SNAP Nutrients (nutsol) ay resulta ng higit dalawang dekadang pagsasaliksik ng mga siyentipiko ng Institute of Plant Breeding (IPB, UPLB). Ito ay isang proyekto ng IPB, UPLB sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at Bureau of Agricultural Research.
Ang proyektong ito ay naglalayong gawing mas madali at mas abot kaya ang magpakana ng hydroponics system at ang pag-aralan o paghusayan sistemang hydroponics. Ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics at ang SNAP Hydroponics system ang naging resulta ng proyekto na ito. Sa aming personal na opinion ang SNAP nutsol ang gold standard ng mga nutrient solution para sa hydroponics.
ANO ANG PAGKAKAIBA NG SNAP NUTRIENT SOLUTION SA IBA?
Ang mga ito ay ibang formulation o brand ng nutrient solution para sa hydroponics. Walang katiyakan kung ang mga ito ay kasing husay o kasing ligtas ng SNAP nutrients.
Madali lang gumawa o mag-formulate ng nutrient solution dahil ang mga sangkap at hakbang sa paggawa nito ay mababasa at mapapanood sa internet.
Maaring lumalabag sa intellectual property rights ng BAR at UPLB (co-ownership) ang mga sellers na gumagamit ng “SNAP Hydroponics” sa kanilang mga nutrient solution. Ito rin paglabag sa karapatan ng mga konsyumer na pinoprotekhanan ng batas.

SAAN MABIBILI ANG LEHITIMONG SNAP NUTRIENT SOLUTION FOR HYDROPONICS?
Mangyaring bumili lamang sa SNAP Authorized Resellers. Sila ang mga nag-train sa IPB, UPLB tungkol sa pagha-hydroponics at nai-apply ang kanilang natutunan sa pagpapatakbo ng kanilang sariling SNAP Hydroponics system. Ang SNAP Authorized Resellers ay awtorisadong bumili ng SNAP nutrients mula sa IPB upang i-resell.
Maari ring magsadya IPB, UPLB ang mga indibidwal upang bumili ng SNAP nutsol. Limitado sa limang (5) set ang mabibili kung hindi SNAP Authorized Reseller ang mamimili.
Mabibili rin ito sa aming online shop.
Mga Tips para Makatiyak
I-verify sa seller kung sila ay SNAP Authorized Reseller sa pamamagitan ng kanilang certificate of completion.

Maari ring matanong sa mga SNAP Hydroponics Growers Facebook Group. Maaring sumangguni sa kanilang partial at unofficial na listahan ng SNAP Authorized Reseller.
Nagkaroon ng iba-ibang porma at laki ang mga plastik na bote ng SNAP nutsol sa pagdaan ng mga taon. Maaring iba ang bote at label ng SNAP nutsol na iyong matatanggap kumpara sa larawan na iyong makikita sa internet.
SNAP Nutrients from 2009 is composed of larger bottles of SNAP A and SNAP B SNAP Nutrients from 2016. SNAP Nutrients from 2018 Most recent itaration of SNAP Nutrient bottles.
Dapat nakatatak o nakasulat sa bote ay “SNAP Nutrient Solution for Hydroponics” at “Manufactured by Physiology Laboratory, IPB.”
Sino-sino ang mga SNAP Authorized Resellers?
Sila ang mga indibilwal na nag-attend at kinumpleto ang short training course na “Training Course on Hydroponics Vegetable Production with Emphasis on SNAP Hydroponics” (SNAP training). Ang training na ito ay ay sinasagawa sa IPB, UPLB.
Suspendido ang SNAP training sa IPB, UPLB dahil sa umiiral na pandemya. Walang katiyakan kung kailan ito muling ibabalik (suspended indefinitely).

Bakit mahirap hanapin ang SNAP Nutrient SOLUTION FOR HYDROPONICS?
Ang SNAP nutrients ay research output ng IPB, UPLB. Ang SNAP nutrients ay hindi pino-produce sa commercial na scale. Ang pandemya ay nagdulot ng masidhing interes sa pagha-hydroponics at sa SNAP nutrients. Dahil sa pandemya, maraming mga balakid sa supply at man-power sa pag-manufacture ng SNAP nutrients. Gayun din nahihirapan ang mga SNAP Authorized resellers na mag-replenish ng stocks sanhi na rin ng pandemya.

“Organic” ba ang SNAP?
Ang SNAP nutsol ay hindi “organic” at ang gulay na pinalaki sa SNAP Hydroponics ay hindi maituturing na “organic.” Gayun pa man ang gulay na pinalaki sa SNAP ay safe. Sa katunayan mayroon itong delawang dekada na flawless na safety record. Ito rin ang bukod tangging nutrient solution sa bansa na may kalakip na materials safety data sheet (MSDS).
Paano i-set up ang SNAP Hydroponics
May guide sa pag-set up ng SNAP Hydroponics sa website na ito. Ito ay nasa wikang Ingles na may how-to videos na nasa wikang Filpino.
Maari ring sumangguni sa opisyal na setup guide na kalakip ng bawat set ng SNAP Nutrients.
Maaring ring sumangguni sa SNAP App. Ito ay isang online user manual na nasa wikang Ingles at Filipino.

Saan makakakuha ng latest na updates tungkol sa SNAP Hydroponics?
Mag-subscribe SNAP Hydroponics Info at i-follow kami sa social media para sa pinakasarwang balita at updates tungkol sa SNAP Hydroponics.
Happy Growing!