Ang SNAP Commercialization Project ay naglabas ng dokumento noong 17 Mayo 2021 na naglalaman ng opisyal na mga anunsiyo at mga pahayag na bunga ng isinagawang pagpupulong gamit ang Zoom ng mga SNAP Authorized Resellers na nangyari noong 7 Mayo 2021. Nakalista dito ang mga opisyal na tugon ng proyekto sa ilang mga isyung may kinalaman sa SNAP Nutrient Solution.
Bakit iba ang presyo ng SNAP Nutrient Solution kumpara sa ibang hydroponics nutrient solution sa merkado?
Isyu Bilang 1: Ang pagkakaiba ng pambentahang presyo ng SNAP solution kumpara sa ibang hydroponics nutrient solution sa merkado
Opisyal na Pahayag: Hindi tulad ng ibang hydroponic solutions sa merkado na gumagamit ng “Master Blend” bilang background component, ang SNAP Hydroponics Solutions (SNAP HS) ay may natatanging kombinasyon ng kemikal na compounds, dahilan kung bakit ang nagreresultang nutrient solution (NutSol) sa paghahalo ng tubig at SNAP HS ay mayroon nang pH na nasa angkop na range (5.5-6.5), kaya hindi na kailangang dagdagan pa ng pH-Up o pH-Down compounds ang NutSol. Dagdag pa rito, ang Total Dissolved Solids (TDS) ay pumapatak rin sa ankop na range. Higit pa rito, ang natatanging kombinasyon ng compounds sa SNAP HS ay nagreresulta sa stabilized na pH ng NutSol kahit matapos gamitin ng lumalaking pananim ang karamihan ng nutrients mula sa growing solution, kaya sa muli, hindi na kailangang regular na bantayan ang pH. Kaya naman kalimitang binabansagang “set-and-forget” na teknoholiya ang SNAP hydroponics.
Isa pa, ang management ng SNAP Project ay kasalukuyang nasa proseso ng paghahanap ng mas mura ngunit dekalidad na reagents na magagamit bilang pamalit sa ilang kemika na compounds na ginagamit sa paggawa ng SNAP HS upang lalo pang mapababa ang presyo nito.
Gaano kababa maibebenta ang SNAP Nutrient Solution?
Isyu Bilang 2: Presensiya ng ‘di patas ‘di magandang kompetisyon sa mga resellers kaugnay ng pag-aalok ng pinakamababang presyo sa merkado na nagbibigay ng ‘di nararapat na desbentaha sa mga kapwa Reseller.
Opisyal na Pahayag: Batay sa napagkasunduan sa meeting ng mga resellers sa Zoom meeting na isinagawa noong 7 Mayo, simula 16 Mayo ng taong ito, ang pinakamababang sagarang presyo na Php 295 sa kada pares ng SNAP solution ay papairalin ng mga SNAP Resellers. Gayun din, ang nakaraang memorandum mula sa SNAP Management na nagpapairal ng pinakamataas na presyo ng SNAP solution ay pinapawalang bisa.
Tinatanggap pa rin ba ang walk-in buyers sa National Seed Foundation?
Isyu Bilang 3: Pagpayag sa mga walk-in buyers na bumili ng SNAP HS
Opisyal na Pahayag: Ang walk-in buyers ng SNAP solution ay tatanggapin lamang hanggang sa katapusan ng Mayo ng taong ito. Makalipas ito, ang pagbili ng SNAP solution ay magagawa lamang sa Accredited Resellers. Ngunit, hindi kabilang sa polisiyang ito ang mga kawani ng Pamahalaan at mga studyante na gagamit ng SNAP Nutrients para sa pagsasaliksik.
Pinapayagan bang magtinda ng ibang tatak ng hydroponic solution ang SNAP Authorized Resellers?
Isyu Bilang 4: Patungkol sa kung ang mga resellers ng SNAP solution ay pinapayagang mag-resell ng ibang mga tatak ng hydroponic solution.
Opisyal na Pahayag: Sa kawalan ng umiiral na kasunduang indibidwal na pagka-ekskusibo, ang mga Resellers ng SNAP solution ay pinapayagang magtinda ng ibang mga tatak ng hydroponic solutions.
Ang mga SNAP Authorized Resellers ba ay pinapayagang magkaroon ng dealers na nagtatrabaho para sa kanila?
Isyu Bilang 5: Impormasyon tungkol sa mga dealers ng Resellers.
Opisyal na Pahayag: Kung ang mga resellers ay may mga dealers sa nagtatrabaho para sa kanila, sila ay pinapakiusapang ipa-fill out ang Google Form na inilaan ng SNAP Management.
Ang paggamit ba ng plant boosters at mga tulad nito ay makapagpapabuti ng mga pananim na pinapalaki sa SNAP Hydroponics?
Isyu Bilang 6: Ang paggamit ng (mga) produkto sa hydroponic culture bukod sa SNAP solution gaya ng paggamit ng plant booster, atbp. na maaring may epekto sa bisa ng SNAP solution.
Opisyal na Pahayag: Ang paggamit ng SNAP solution at tubig ay sapat na upang makagawa ng magandang pananim. Dahil dito, ang pagdagdag ng iba pang component(s) sa SNAP nutrient solution (NutSol) ay siguradong makapagbabago ng orihinal nitong katangian at bisa, i.e. pH na nasa wastong range at ‘di nagbabago sa growing period ng pananim. Dahil dito, ang SNAP management ay walang pananagutan sa kung anumang kahihinatnan ng pagdadagdag ng compound(s) na ito sa SNAP NutSol. Gayun pa man, iba ang kaso kung ang plant booster o ibang pang karagdagang kemikal ay ii-spray sa mga dahon ng pananim.
Saan ko makikita ang listahan ng SNAP Authorized Resellers?
Isyu Bilang 8: Identipikasyon ng mga Accredited Resellers
Opisyal na Pahayag: Pagkalipas ng deadline ng pagpasa ng mga rekisito, ang SNAP management ay mag-iisyu ng sertipikasyon sa mga Accredited Resellers na nakakumpleto ng requirements, at ipo-post ang listahan ng mga bagong Accredited Resellers para sa taong 2021-2020 sa FB Page. Ang mga dating resellers na hindi makakaayon sa mga rekesito ay pansamantalang aalisin sa listahan hanggang kanilang mapunan ang lahat ng mga rekesito.
Pagsasalin ng Official Announcements/ Statements as results of May 7 Zoom Meeting with Resellers.