Suspendido ang lahat ng pagsasanay hanggang magkaroon ng karagdagang abiso dahil sa banta ng COVID-19. Mag-subscribe sa Happy Grower’s Channel upang mabigyan ng abiso ukol sa pinapakanang libre at kumprehensibong pagsasanay sa hydroponics.
Ang University of the Philippines Los Baños Institute of Plant Breeding (IPB-UPLB) ay nag-aalok ng short training course na tinatawag na “Training on Hydroponics Vegetable Production with Emphasis on SNAP Hydroponics.” Ang mga kalahok na naka kumpleto ng makiking kursong pagsasanay na ito ay ginagawaran ng certificate of completion. Ang katibayan ng pagkakumpleto ng short training course at katibayan ng pagiging lehitimo at rehistradong negosyo ang mga kuwalipikasyon upang maging Authorized Reseller ng SNAP Nutrient Solution for Hydroponics.
Training on Hydroponics Vegetable Production with Emphasis on SNAP Hydroponics
Deskripsiyon
Teorétikó at praktikal na aspekto ng hydroponics na may pagdiin sa pag-setup at pagpapatakbo ng sistemang SNAP Hydroponics; identipikasyon ng iba’t ibang sintomas ng nutrient deficiency at toxicity; basehang konsepto ng plant nutrition na may kaugnayan sa produksiyon ng gulay sa hydroponics; may kasamang starter kit – nutriyent solusyon, buhay na punla at styrofoam na kahon at baso.
Iskedyul
The short training course on SNAP Hydroponics are conducted regularly every second and fourth Tuesday of each month. However, the schedule varies depending on the availability of the resource speakers. Ang pagsasanay ang nagtatagal ng buong araw at karaniwang nagsisimula sa 9:00NU at nagtatapos sa 5:00NH. Ang pagsasanay ay ginaganap sa IPB-UPLB.
Bayad para sa Kurso
Ang bayad para sa kurso ay Php 2,000.00. Kasama na rito ang mga materyales sa pagsasanay at meryenda.
Magpalista
Para magpalista, piliin ang “Hydroponics Vegetable Production with Emphasis on SNAP Hydroponics” sa online registration form.