Posted on

Malimit na mga Tanong Ukol sa SNAP Kaakibat ng Quarantine

varieties of lettuce growing on styrofoam boxes with SNAP Hydroponics

Magkano?

Php 250.00-350.00 depende sa reseller. 

Ang set ng SNAP nutrients (SNAP A at SNAP B) ay Php 225.00 kung sa IPB, UPLB bibilhin. Kung hindi Authorized Reseller limitado po sa 5 sets ang mabibli.

Kung sa SNAP Authorized Resellers bibilhin Php 250.00-350.00 ang kada set.

Ano ang SNAP?

Ang paraan ng pagpapalaki ng halaman sa tubig at walang lupa ay tinatawag na hydroponics. Gumagamit ito ng mineral nutrient solution. Ang Simple Nutrient Addition Program o SNAP Hydroponics ay isang madali at mababang halagang hydroponics system na gumagamit ng mga materyales na madaling mahanap sa paligid. Ito ay ginagamitan ng SNAP Nutrient Solution for Hydroponics. Ang isang set ng SNAP Nutrient Solution for Hydroponics ay binubuo ng 500mL SNAP A at 500mL SNAP B at may kalakip na printed user manual at materials safety datasheet (MSDS).

Iisang klase lang ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics at ito ay galing sa Institute of Plant Breeding (IPB), UPLB. Ito ay dini-distribute ng mga SNAP Authorized Reseller. Sila nagsanay sa Institute at may Certificate of Completion mula sa IPB.

Para makatiyak na lehitimo ang pagbibilhan maaring i-verify ang kanilang Certificate of Completion mula sa IPB.

Dapat ang  SNAP A clear (‘pag minsan ay white cloudy) ang SNAP B ay dapat clear at may pagkadilaw. May kasama rin dapat itong printed na materials safety datasheet (MSDS) at user manual.

Two 500mL PET bottles one labeled snap a and another labeled SNAP B.
A pair of SNAP nutrient solution.

Kung iba ang kulay sa binanggit ko sa itaas o hindi kahalintulad ng ritrato sa taas, hindi ito SNAP kundi ibang brand o formulation ng nutrient solution. Iba ang kalidad at bisa ng ibang brand o formulation ng nutrient solution at iba’t iba rin ang paraan ng paggamit ng mga ito. Iba’t iba rin ang resulta.

Saan mabibili ang SNAP nutrients?

Sanhi ng umiiral na quarantine sa bansa, nagiging mabagal ang paggawa ng SNAP sa IPB, UPLB. Gayun din nahihirapan makapag-restock ang mga SNAP Authorized Resellers. Dagdag pa dito ang biglang pag-spike ng demand sa produkto. Kaya may kahirapan itong makita sa merkado.

Sa mga SNAP Authorized Resellers mabibili ang SNAP. Hindi pa commercial product ang SNAP Nutrient Solution for Hydroponics kaya hindi ito makikita sa mga karaniwang outlets.

Ang mga SNAP Authorized Resellers ay nag-train sa IPB, UPLB at naipamalas ang kalaman sa paggamit nito. Sila ay pinapahintulutang bumili ng SNAP sa IPB, UPLB para i-resell.

A picture of Happy Grower?s SNAP completion certificate along with a set of SNAP Hydroponics nutrient solution.
Certificate of completion.

Marami SNAP Authorized Resellers na nagbebenta ng SNAP nutrients sa mga online outlets (hal. Lazada/Shopee/FB Marketplace). Para makatiyak na sa SNAP Authorized Reseller bumibili, maaring i-verify ang kanilang certificate of completion mula sa IPB.

Walang opisyal na listahan SNAP Authorized Reseller ang administrator ng website na ito.

Mangyaring sumali sa SNAP Hydroponics Growers. Maaring may SNAP Authorized Reseller na makakatulong doon dahil mayroon silang partial, unofficial at community sourced na registry ng SNAP Authorized Resellers.

Pwede ba na maulanan ang SNAP Hydroponics System?

Pwede mabasa? ng ulan ang halaman. Ang hindi pwede ay yung mapasok ng tubig yung growbox. Kapag nangyari ito, madadagdagan ng tubig ang nutrient solution at posibleng mapalitan ng tubig ulan. Mawawalan ng sustansiya yung solution at maapektohan ang paglaki ng mga halaman. Masasayang ang nutrient solution. Nirerekomenda na gumamit ng rain shelter.

large crawiling cucumber vine growning on SNAP Hydroponics
Mga halamang lumalaki sa SNAP Hydroponics. Protektado sa ulan dahil sa awning.

Paano ihalo sa tubig?

Magismula sa sampung litrong malinis na tubig (hindi distilled o dumaan sa reverse osmosis). Dagdagan ng 25mL SNAP. Haluing mabuti. Dagdagan ng 25mL SNAP B. Haluing mabuti. Kahit po alin sa SNAP A at SNAP B ang maunang ihalo sa tubig. Huwag pagsabayin.

a solution with a slightly yellow and cloudy appearance.
Ten liters of properly mixed SNAP working solution.

Saan ang training/seminar?

Suspended indefinitely ang lahat ng training sa IPB, UPLB.

Sa IPB, UPLB kung saan dinevelop ang SNAP. Kaso nga lang po dahil sa COVID-19, suspendido yung trainings. At sa panahon po ngayon ay talagang mas maganda pong umiwas muna tayo sa mga public gathering as much as possible.

banner with text that reads "Welcome Participants Training Course on Hydroponics Vegetable Production With Emphasis on SNAP Hydroponics Plant Physiology Laboratory Institute of Plant Breading"
Banner welcoming SNAP Hydroponics training participants.

Paano labanan ang mga peste sa pananim?

Pinakamaganda protective shelter para hindi mapasok ng peste ang hydroponic garden. Kung wala naman pwede rin ang tiricide. Tuwing umaga bago sumikat ang araw nanginginain at gumagalaw ang mga peste. Mas madali po silang makita at tirisin sa umaga. Kapag mataas na ang sikat ng araw nagtatago na ang mga ito at mahirap nang makita.

Happy growing!